Nong nakaraang araw umuwi kami ang aking mga kapatid sa aming probinsya dahil tinawagan kami ng aming mga magulang dahil may pupuntahan daw kaming pamilya. Kinabukasan dalili-dali kaming umalis ng bahay at sumakay kami ng jeep papuntang terminal. Nang dumating nma kami sa terminal sumakay kami ulit ng sasakyang papaunta sa aming probinsya. malayo ang biyahe papunta sa amin tatlong oras bago ka makakarating sa amin at malalaman mo lang na malapit kana makarating dahil makikita mo yong mga magagandang tanawin tulad nga mga bundok at iba pa. Masarap mag biyahe papunta sa aming lugar dahil makikita mu yong mga tanawin kahit nakasakay  ka at mawawala ang yong pagod. Nang dumating na kami sa Malabang Lanao del sur ay tinawagan namin yong tatay namin para sundooin kami dahil malayo ang terminal sa aming bahay. Masaya ako dahil ang tagal kong hindi  naka uwi sa aming probinsya at nakita ko na lalong gumanda pa aming lugar. Pagdating ko ay natulog na ako dahil subrang nahilo ako sa biyahe nang kinabukasan ginising ako ng maaga kasi yon nga may pupuntahan kaming pamilya at sinabi ng tatay ko nag wag mong kalimotan magdala  nang jacket dahil malamig daw. Nag biyahe naman kami ng tatlong oras papunta sa aming mga kamag-anak sa Madamba Lanao Del Sur. Exited ako dahil magaganda ang mga tawin doon. Ang una mong dadaanan ay ang Bacolod lanao del sur may isang magandang lake doon.



Pagkatapos mong dumaan sa Bacolod, Ganassi naman ang iyong dadaanan makikita mu dito ang mga taniman ng mga palay, mais ang mga gulay. Maganda rin itong puntahan dahil malamig at ang fresh ng hangin. Magaganda rin ang mga tanawin dito, may makikita kang mga bundok dito na napakada.



Pagkatapos ng Ganassi ay makakarating kana sa Madamba lanao del sur. Pagdating namin doon ay sinalubong kami ng aming mga kamag anak. Kaya pala kami pina uwi dahil may magaganap doon na kasiyahan at kasali pala ang aming nanay isa itong program ng mga muslim na tinatawag na BAE at DATU hindi namin alam na kasali pala amng aming nanay. Limang araw kami doon. Masaya nama dahil napakaganda ng mga tanawin doon. Kinabukasan agad naming linibot ang lugar na iyon. Sobra talagang napaka ganda ng mga taniwin dito. Sayang nga kasi hindi ko nakunan lahat ng picture ang mga tanawin dahil lowbatt yong cellphone ko. Wala aksing ilaw doon at solar ang kanilang gamit kahit hindi ko yon nakunan ng picture atleast nag enjoy kami ng aking mga kapatid. Pagkatapos namin libotin ang lugar na iyon simahan sinamahan namin ang aming nanay sa Marawi para mag pa tarpulin dahil bukas na yong kanilang program dahil dapat daw may tarpulin yong kada representave. Pgdating namin sa Marawi kumain mmuna kami dahil medyo malayo ang biyahe. Pagkatapos namin kumain humanap na kami ng shop na may pwedeng tarpulinan. Nang nakahanap na kami ay nagpa picture na ang aking nanay, pagakatapos mag pa picture hinintay namin ng mga ilang oras para matapos yong tarpulin. Pagakatapos ng tarpulin agad na kaming umuwi sa Madamba. Pag dating  namin ay pumunta kami sa may ilog para maligo, napakasarap ng tubig doon dahil napakalamig para kang naliligo sa tubig na mayroong ice. Masaya talagang libutin ang lugar ng Madamba dahil maraming tanawin dito na magaganda. 




HEHEHE ,, yan  lang aking picture dahil hindi pa ako noon mahilig mag pa picture, yan ang aking lugar na napuntahan na napakagandandang tanawin. Kinabukasan ay nag simula na ang palaro sa Madamba lanao del sur masaya dahil makikita ko lahat ng klasing sayaw ng mga muslim tulad ng Malong malong, singkil at iba pang mga sayaw. Tumogtog din sila ng mga kulintang at Rinao-rinao yan ay isang uri ng mga kanta ng muslim. Pagkatapos ng programa  inayos na namin ang aming mga gamit at uuwi na kami sa malabang lanao del sur. 





Nang kinabukasan na planohan namin ng mga anty ko at mga kapitid ko na  maligo kami sa Matling swimming pool total malapit lang naman ito sa amin. Masaya ako noong nasa probinsya ako dahil kasama ko doon mga kamag anak namin. Marami akong mga magagandang alala sa nong nasa probinsya pa ako , pero ngayon ditp sa Iligan kakauti pa ang aking mga napuntahan na lugar. Hindi katulad sa aming probinsya na halos napuntahan kona ang mga magagandang lugar doon.


                                                            December 25, 2015

 Gumala kami ng aking mga klasmate sa aming mga ibang clasamate na mga christian para makikain dahil christmass  naman napaka ganda nang kanilang mga giant christmass tree at nag pa picture kami ng aking mga kaklase. Masaya ako dahil napakaraming tao doon at may mga sayaw, kanta  at iba pa. Marmi ring mag pagkain na binibinta. Malongkot dahil maliit lang dala kong pera hindi naman ako makabili kasi walang mga pera yong mga kasama ko. Hindi naman pwede na ako lang yong kumakain tapos sila hindi. Ang ginawa ko ay pinagkasya ko yong pera ko para maka kain din sila. Nanood nalang kami ng sayaw at mga kumakanta para hindi namin makita ang mga pagkaing binibinta  dahil naubos na yong mga pera namin. Nag enjoy naman ako kasi ang gagaling nilang kumanta at sumayaw. Nakaka ingget kasi ang  gagaling nila sumayaw at kumanta ang mananalo ay may matatanggap ng premyo ang Fist runner up ay makakatanggap ng 1000 at ang second ay 950 masaya talanga ang mga naging experience ko sa aming lugar sa Malabang Lanao Del sur dahil marami akong mga naranasan doon na hindi kopa naranasan dito sa Iligan city. Masaya din naman ako dahil marami akong mga naging                                                       ko dito at may mga napuntahan na din akong mga magagandang lugar dito sa Iligan City at nakapag punta narin ako sa mga paligoan dito sa Iligan city. Ang akking napuntahan dito sa iligan ay ang Lawis at Mize park. Maganda ang mga pool sa mize park may mga pang bata at mayroon ding mga pang adults. Mayroon ding mga ibat ibat klase ng isda at may mag ostrich at mga ibon.




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

NACHO FAST RESTAURANT (HALAL)