
Nong nakaraang araw umuwi kami ang aking mga kapatid sa aming probinsya dahil tinawagan kami ng aming mga magulang dahil may pupuntahan daw kaming pamilya. Kinabukasan dalili-dali kaming umalis ng bahay at sumakay kami ng jeep papuntang terminal. Nang dumating nma kami sa terminal sumakay kami ulit ng sasakyang papaunta sa aming probinsya. malayo ang biyahe papunta sa amin tatlong oras bago ka makakarating sa amin at malalaman mo lang na malapit kana makarating dahil makikita mo yong mga magagandang tanawin tulad nga mga bundok at iba pa. Masarap mag biyahe papunta sa aming lugar dahil makikita mu yong mga tanawin kahit nakasakay ka at mawawala ang yong pagod. Nang dumating na kami sa Malabang Lanao del sur ay tinawagan namin yong tatay namin para sundooin kami dahil malayo ang terminal sa aming bahay. Masaya ako dahil ang tagal kong hindi naka uwi sa aming probinsya at nakita ko na lalong gumanda pa aming lugar. Pagdating ko ay natulog na ...